Tungkol sa California Adopt-a-Pet Day
Ang CalAnimals, ang ASPCA® (The American Society for the Prevention of Cruelty to Animals®) at ang San Francisco SPCA ay nagtutulungan upang itaguyod ang pagbubuklod ng tao at hayop sa California. Bilang resulta sa pagsasanib pwersa na ito, ang California Adopt-a-Pet Day ay nilikha upang itaas ang kamalayan at gawing abot-kaya ang pagkupkop ng mga alagang hayop. Ang kaganapang ito ay nagmula sa pakikipagtulungan sa pagitan ng mga pangunahing organisasyon sa kapakanan ng hayop at naglalayong tulungan sila makahanap ng mapagmahal na tahanan.
Handa ka na ba magkupkop? Maraming shelters ang patuloy sa walang bayarin o pagbibigay ng diskwento sa pagkupkop matapos ang California Adopt-a-Pet Day. Makipag-ugnayan sa inyong lokal na shelter tungkol sa kanilang mga programa: Hanapin ang inyong pinakamalapit na shelter.

Mga Kaabay

Ang California Animal Welfare Association (“CalAnimals”) ay nilikha noong 2018 sa pamamagitan ng pagsanib ng dalawang animal-welfare association: ang California Animal Control Directors Association (CACDA) at ng State Humane Association of California (SHAC). Ang organisasyong ito ay naglalayong suportahan ang pag-unlad ng kapakanan ng hayop at mga shelter organization upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga hayop at tao sa kanilang komunidad. Kabilang sa mga programa at aktibidad ang mga pagsasanay, mga kumperensya, mga sertipikasyon, pagtugon sa sakuna, pag-unlad ng pamumuno, pambatasang adbokasiya at iba pa. Interesado ka ba malaman ang tungkol sa California Animal Welfare Association? Bumisita sa www.calanimals.org

Nilikha noong 1866, ang ASPCA® (The American Society for the Prevention of Cruelty to Animals®) ang kauna-unahang organisasyon sa kapakanan ng mga hayop na itinatag sa Hilagang Amerika at ang pangunahing boses ngayon ng mga hayop na mahina at naging biktima. Bilang isang 501(c)(3) not-for-profit corporation na may higit na dalawang milyong tagasuporta sa buong bansa, ang ASPCA ay nakatuon sa pag-iwas sa kalupitan sa mga aso, mga pusa, mga kabayo at mga hayop sa bukid sa buong Estados Unidos. Ang ASPCA ay tumutulong sa mga hayop na nangangailangan sa pamamagitan ng interbensyon sa sakuna at kalupitan, interbensyon sa pag-uugali, paglagayan ng hayop, legal at pambatasang adbokasiya, at ang pagsulong sa komunidad ng sheltering at komunidad ng beterebaryo sa pamamagitan ng pananaliksik, pagsasanay at mga mapagkukunan. Para sa iba pang impormasyon, bumisita sa www.aspca.org

Ang San Francisco SPCA ay isang malayang, suportado ng komunidad, nonprofit organisasyon para sa kapakanan ng hayop na naglalayong sagipin, protektahan at magbigay kalinga sa mga pusa at mga aso na walang tahanan, maysakit o kaya’y nangangailangan ng tagapagtanggol. Ang SF SPCA ay pangmatagalang naglalayon na turuan ang komunidad, bawasan ang bilang ng mga hindi gustong kuting at aso sa pamamagitan ng pagkapon, at pagbutihin ang kalidad ng buhay para sa mga hayop at kanilang mga kasamang tao. Ang organisasyong ito ay hindi tumatanggap ng anumang pondo mula sa gobyerno. Para sa iba pang impormasyon, bumisita sa www.sfspca.org

Ang California Adopt-a-Pet Day ay inihahandog ng CalAnimals, SF SPCA at ng ASPCA.


