Sabado, Ika-7 ng Hunyo, 2025
California Adopt-a-Pet Day
Walang Bayarin sa Pag-Ampon!
Sa mga kalahok na shelter sa California.
Pakawalan ang pag-ibig, hanapin ang iyong kaibigan
Sa sabado, ika-7 ng Hunyo, samahan ang CalAnimals, ang San Francisco SPCA, at ang ASPCA para sa ikalawang taunang California Adopt-a-Pet Day! Tulungan kami na makamit ang ang layuning makahanap ng mga mabuting tahanan ang 5,000 alagang hayop sa buong estado. Sa mahigit na 150 animal shelter na kalahok, ito na ang inyong pagkakataong mahanap ang inyong perpektong tugma.

Walang mga bayarin pagkupkop, karamihan ay sakop ng ASPCA sa pakikipag-sosyo sa CalAnimals*

Lahat ng mga aso at pusa ay kinapon, nabakunahan at mayroon ng microchip

Mahigit sa 150 kalahok na shelter at libo-libong mga hayop ay maaaring kupkopin
*Ang mga bayarin sa pagkupkop ng kabayo ay sakop hanggang sa $500
Hanapin ang Malapit na Shelter sa Iyo
Naghahanap ka man ng mapaglarong tuta, magiliw na kuting, o masayang kabayo, tutulungan ka namin mahanap ang iyong katugma. May patnubay mula sa mga tapat na kawani, tuklasin ang bagong miyembro ng iyong pamilya.
Shelter Pawsitive
Mayroon man mga hayop mula sa iba pang mga mapagkukunan, ang pagkupkop mula sa mga animal shelter sa iyong komunidad ay magbibigay ng mabuting tahanan sa mga hayop na nangangailangan, at suporta sa mahalagang gawain ng mga organisasyong ito.







Uniting Hearts and Paws
Ang California Adopt-a-Pet Day ay higit pa sa taunang kaganapan; ipinagdiriwang nito ang magandang ugnayan sa pagitan ng mga tao at mga alagang hayop. Ito ay isang araw kung saan ang posibilidad na hindi mabilang na sandali ng kasayahan at pagmamahal ay nagtatagpo, sabik na naghihintay na maging bahagi ka nila.
Ang California Adopt-a-Pet Day ay inihahandog ng CalAnimals, SF SPCA, at ng ASPCA.


